Ligo na u; Lapit na Me by Eros Atalia

Tagalog ang lengwahe ng librong ito, kaya minabuti kong Tagalog din ang gamiting lengwahe sa blog ukol sa librong ito. Pero tulad ng una, pasensya na kung mahahaluan ito ng English kasi nga tulad ng una ko nang sinabi mas comportable ako sa lengwaheng iyo sa pagpapahayag ng mga nasa isipan ko.

First and foremost, I just want to say that I liked the book very much. Medyo may parte nga lang sa unahan na mabagal (sa aking opinion lang naman yun at wala akong balak na mangumbinsi ng ibang tao) pero mabilis din naming napawi at na remedyuhan iyong ng author.

Maganda at maayos ang pagkakasulat ng akda, malinaw at madaling maintindihan ng magbabasa. May konti mga typos ang libro pero ano ba, kahit naman mga English novels eh mga typos. Human error yun at di na dapat pang bigyan ng malaking importansya. Na-mention ko lang naman sya dahil minsan nagiging isyu ito sa critique ng mga foreign novels pero sa akin ok lang, di naman affected yung pagbabasa ko o yung ganda ng akda eh.

As for the story itself, it is very realistic. I am actually glad that someone actually decided to take on this topics here and now. Yung topic kasi ng story ay isang bagay na talaga namang nangyayari sa tunay kaso nga walang gusting umamin ng may mentalidad na ganito ang ibang kababaihan. Maraming mapupupulot na aral mula sa libro, maraming masaya, makakatuwa at makakahalakhak na pangyayari ang talaga naming makaka-relate ang mga mambabasa. Madalas sa pagbabasa ko ng akdang ito nangingiti akong mag-isa, minsa’y nagtatawang mag-isa na ikikagugulat ng mga kasama sa bahay, at kung minsan nama’y magbubuntung-hininga dahil sa panghihinayang.

The film adaptation of the book with the same title was released in 2011 through Cinemalaya, however, as can be expected only a few have heard of the film (probably, mostly fans of indie films) and had the opportunity of watch it.

The story of the book revolved around the life and struggle of one ordinary looking and economically challenged college graduating student, Karl Vladimir Lennon J. Villalobos.  I’m sure kung talaga bang sanay lang ako sa mga pangalang kakaiba pero as much as the author tried to evoke woe on the character being burdened with such a name…sa akin wala lang. Okay lang naman yung mahaba nyang pangalan.

Buhay at pag-ibig sama ang hinanakit ito ni Karl Vladimir Lennon J. Villalobos na na-in-love sa classmate nyang si Jen. Parang beauty and the beast ang story with a little twist. Si Karl normal na estudyante, di pangit pero di din naman hunk at tulad ng maraming estudyante laging kapos sa pera. Si Jen naman (walang apelyido) school beauty, mayaman at pantasya ng bayan pero obvious na may malalim na problema sa buhay. Two very different people who ended up together in a relationship na di naman sila pero parang sila – sa wikang English ang makabagong tawag dito eh “Friend with Benefits” at sa parte ni Karl…what a benefit! May fucking buddy na sya, libre pa ang lahat. Pero hwag naman isiping nagte-take advantage sya (di naman masyado) kasi kahit papano marunong pa rin syang mahiya (kay Jen). Kaya nga pag may extra pera sya pa rin ang sumasagot ng pambayad dun sa lugar na tahimik at malamig.

Ilang buwan ding ganito ang sitwasyon nila Karl at Jen hanggang sa bigla lang kailangang matigil. Bakit? Well, you will have to buy the book or watch the film for that. Pero ito lang ang masasabi ko, masalimuot pero maganda ang istorya nito. Makatutuhanan in the sense that nandun yung tunay na human emotions tulad ng confusion, galit, amazement, guilt, regret at love. Mga emosyong tunay mong makikita sa ganitong relasyon lalo pa nga at biglang dapat matapos ang lahat. Higit sa lahat the author was brave enough to delve on the subject na di lang mga sa foreigners uso ang ganitong relasyon. Marahil bihira or baka naman talamak na di lang alam ng marami pero nangyayari ito maging dito sa atin at dito papipilitan ang mambabasang mamulat sa realidad ng ating bagong henerasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: