I don’t read a lot of Filipino written works. Di naman yun dahil ako’y coño or anything to that effect medyo mas comfortable lang talaga ako sa English. Sabihin na lang natin na I can explain and express myself better on that language. Pero nakabasa na naman ako ng ilang akda sa Tagalog, una karamihan mga klasikong akda lang tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at yung Ibong Madaragit ni Amando Hernandez. Highschool pa ako nun pero dun ko umpisang na-appreciate ang mga tagalog master pieces. Tapos natuto akong bumasa ng mga alternatibong akda ni Lualhati Bautista, halos nga ata lahat ng librong sinulat nya nabasa ko.
Then out of the blue, inabutan ako ng ex-boyfriend ko (na ngayo’y asawa ko na) ng ibang librong gawa ni Bob Ong…at yun ang nagging umpisa ng mahaba-haba ding istorya ng pagsunod ko sa mga librong gawa ng misteryosong author nay un. Misteryoso kse walang nakakakilala sa kanya (maliban na lang siguro sa kanyang publisher). Until now naman I still follow Bob Ong, tuwing may bagong libro na gawa nya bili naman ako. (Sorry kung mukhang pa-sosyal ang dating ng huling sentence na yun, if it means anything ako rin mejo na artehan sa dating nun pero sabi ko nga mas comfortable ako sa English so panigurado Tag-lish ang labas ng blog na ito). Sana walang maasar…hehehe!
Anyways, a few months ago I learned that there’s another author that writes almost the same way as Bob Ong, at this time tahasang nakabalandra ang tunay na pangalan ng author. Not that it would make any difference to me as a reader, wala lang gusto ko lang i-mention, bakit ba?
So the author is Eros Atalia. Tuwa ako sa pangalan nya kasi mahilig din ako sa Greek myth at unang nakatawag sa akin yung pangalan nya. Sa Greek kasi sa ilang di nakakaalam Eros means Love. Si Eros ay anak ni Aphrodite or mas kilala silang mag-ina sa tawag na Cupid (Eros) at Venus (Aphrodite). Oh ayan, tapos na ang Greek myth lesson. Anyways, curious ako sa akda nitong si Eros Atalia…lalo pa at yung unang nakita kong libro nya eh yung “Ligo na U, Lapit na me”. Oh di ba, very wholesome ang dating? Hehehe! Pero promise, di sya ganun ka-wholesome!
Maganda yung libro, masaya at makatutuhanan ang istoryo. Isa sa pinaka-gusto ko sa mga ganitong akda eh yung pagiging makatutuhanan nya. Galit kung galit at malaswa kung malaswa ang lengwahe but that’s what makes them so different from other authors out there. They were bold enough to go against the norms and I love that. Sa akin lang, more power to both Bob Ong and Eros Atalia for the genre they chose.
Ang pinag-iba nga lang ng dalawang author na ito eh yung kanilang phasing. Si Bob Ong yung tipong author na iga-grab agad ang attention mo, mag-lull ng konti sa gitna only to pump up the interest once again at the end of the book. Actually, it’s a good things since it keeps you interested and keep you coming back for more. Mahilig din si Bob Ong nga clip hangers at the end of each chapter. At the end you feel content with what you’ve read.
Si Eros Atalia naman, picks up the phase slowly but as you read along it gets better and better and really grab you at the middle and carry you through to the end. The end result is that you feel the closure of the story. Pwede di masaya, pwedeng nakaka-disappoint but at the end of it that’s what makes a book good (in my humble opinion lang naman) kasi nga it evokes a feeling on the reader. May naiiwan sa iyong emosyon at di lang ang pakiramdam na tapos ang libro – ano ngayon?
Di ko masabi kung sino ang mas gusto ko, di ko rin gusting i-try nai-decide. Basta I like them both, mas sanay nga lang ako sa mga akda ni Bob Ong sa ngayon kasi mas matagal ko na syang sinusunda, pero malay natin ilang libro pa at pantay na sila ni Eros Atalia sa isipan ko. Wide reader naman ako, I can like them both at the same time and be complete happy with that fact.
Advice ko lang kung gusto mo si Bob Ong, safe din i-try yung mga akda ni Eros Atalia…you will enjoy it. Promise.